September 21, 2024

Pangulong Duterte, bumisita sa Cagayan upang alamin ang sitwasyon ng mga taga-roon

Bumisita sa Region II, partikular sa Cagayan si Pangulong Duterte. Sinadya ng Pangulo ang Tuguegarao at nagsagawa ng aerial inspection.

Kasama sa lumapag sa siyudad ng Pangulo sina Sen. Bong Go at Defense Secretary Delfin Lorenzana. Ito ay batay na rin sa larawang ibinahagi ni DPWH Sec. Mark Villar.Matapos magsiyasat, nagsagawa rin ng press briefing ang Pangulo.

Nais ng gobyerno na makaahon agad sa pagkakalugmok ang nasalantang pook sa lambak ng Cagayan.

 “We know your anguish and we will respond with urgency. With the bayanihan spirit of the Filipino.”

“I am confident that together we will brave all the challenges ahead and emerge stronger as a nation,” pahayag ng Pangulo.