November 23, 2024

BUHAY SPORTS AT SERBISYO PUBLIKO, ASINTADO SI SEN.BONG GO

Bulls eye ang kanyang mga malalayong asinta sa basketball mula pa noon gayundin ang mga puntirya niyang adhikain bilang isang lingkod -bayan ngayon.

Mistulang isang pukol mula sa halfcourt ang swak na halos pumunit sa net ng basketball rim ang pagpasok sa pulitika ng longtime executive assistant ng noo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ni hindi siya dumaan sa pagiging konsehal, kapitan, alkalde, bokal, gobernador o kinatawan kundi sapul agad nito ang pagiging Mambabatas ng Mataas na Kapulungan. Wala man sa hinagap ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong Tesoro Go na magiging isa siyang alagad ng lehislatura na may bangkong higit 21 milyong boto at top 3 ang ranggo sa Senado na isang rainbow shot made in heaven.

Ang naging mitsa ng tadhana ni Sen.Go ay ang longshot na panalo bilang Pangulo ng bansa ni Mayor Duterte kung saan ay siya ang campaign sorties manager nationwide , kaya mula sa lokal na paglilingkod ay isang give and GO ang kanilang pag-angat sa serbisyong nasyunal .

Hindi lang sa mga Davaoeños kundi sa Sambayanang Pilipino na ang aspeto. Dahilan sa higit dalawang dekadang pagiging tapat ni Go kay Mayor Digong ay tuloy ang kanilang tandem hanggang Malacañang kung saan ay hinirang na Special Assistant to the President si SAP Bong Go.

Dahil may mga naglaway at nainggit sa kanyang posisyon bilang Little President o kanang kamay ay may mga pulitikong hinihila siya pababa pero sa halip ay nag-angat lalo sa kanya na umani pa ng simpatiya mula sa mamamayan dahil sa likas niyang ugaling kababaang loob,pagiging totoo at angking karisma na minana pa niya sa kanyang angkan na printing magnate sa Davao mula Fil-Chinese ancestry.

Ang mga fragrant foul ng oposisyon ang naging dahilan ng freeshots plus possesion ni PDigong para kay SAP Go…”

Sa 2019 Senador ka na!” Nangyari ang iginuhit nang tadhana.

“Nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal sa kanyang blessings sa inyong abang lingkod, sa tiwala ng Sambayanang Pilipino at ni Pangulong(Rodrigo) Duterte .Di nga po ako makapaniwala na Senador na ako ngayon kaya asahan niyong gagampanan ko ng taos-puso at puro bulls eye ang aking paglilingkod para sa inyo”,pahayag ni Senator Bong Go sa panayam.

Ramdam na ng taumbayan ang pagtupad ng pangako mula nang mahalal siya noong nakaraang (2019) midterm election. Buong bansa ay natutulungan na ng kanyang platapormang tinutupad na heathcare at social service program na tunay na MALASAKIT para sa bayan,higit ngayong panahon ng pandemya,repeal ng juvenile act law at mga batas para sa mga atleta ng bansa bilang pinuno ng Senate Committee on Sports tampok ang pagtatag ng Philippine National Academy in Sports (PNAS) para sa mga Pilipinong student athletes.

Beyond politics, si Senator Go ay isang masugid na entusiyastiko sa basketball. Ang Management graduate ng De La Salle University na si Go ay naging manlalaro ng basketball habang nag-aaral dahil sa husay nito sa outside shooting at playmaking skills. Naging bantog siyang three-point king sa mga liga sa Davao at consistent siya kahit nasa City hall na siya bilang Little Mayor.

Sikat ang basketball sa Davao, bawat laro sa liga ay dinudumog ng tao kaya lahat ng games ay seryoso. Boss ka man o may binesa sa lipunan ay babantayan ka upang di makatira ng libre sa bawat attempt.

Nasaksihang personal ng reporter na ito noong tumikada si Go ng guwardiyadong 16 triples sa isang laro bilang licensed to shoot player ng Royal Mandaya Hotel / City Hall team katropa niya ang shooter ding si Glenn Escandor at noo’ y bisitang si Senator Alan Peter Cayetano teammates din ang homegrown cagers katunggali ang PBA Legends para sa torneong bahagi ng selebrasyon ng Araw ng Dabaw 2014 coverage.

Ang mga rainbow shots ni Go ay natural skill at hindi tsamba lang at pinatunayan niya ito sa mga nilahukang special event na 3-point shoot- out ng PBA at FIBA 3-on -3 three-point tilt sa Philippine Arena kung saan ay di siya nagpahuli sa mga seasoned shooters ng pro- league.

Spectator din siya at espesyal na panauhin sa mga big games ng PBA at ginanap na FIBA Asia kasama ang bisitang pandangal na si PDu30. Dahilan sa superior na height ng ibang lahi kaya ipino-promote ni SBG ang outside shooting na kayang ihasa ng Pinoy cagers panlaban sa international basketball scene.

Ang 46- anyos na Senador ay tunay na longshot ang tatahakin pang paglilingkod sa Sambayanan kaya tuloy lang ang pagiging asintado sa mga puntiryang umiskor ng tagumpay para sa bayan.GO…three points!!!