December 22, 2024

‘Pokémon Unite’ makikipagsabayan na rin sa ‘Mobile Legends’

PAPASUKIN na rin ng Pokemon Company ang MOBA arena nang ianunsyo na ilalabas na rin nila ang Pokémon Unite.

Ang naturang laro ay inanunisyo sa isang live streamed event na pinamagatan na Pokémon Presents

Ang Pokémon Unite ay kahalintulad ng genre ng League of Legends, Dota 2, Arena of Valor, at ang nangunguna sa lahat ay ang hari ng mobile MOBA, ang Mobile Legends: Bang bang.

Video mula sa Mikkomiks Gaming 

Tulad ng ibang MOBA, bawat pangkat ay mayroong limang manlalaro kung saan pupuwede piliin ang mga kyut na kyut na Pokémon na sina Charmander, Pikachu, Squirtle at Bulbasur at iba pa.

Maaring magpa-level up ang bawat kalahok habang nakikipagbakbakan, matuto ng mga bagong skill, at makipaglaban sa tatlong landas (lanes) ng mapa na kilalang top, bottom at middle.

Mayroon ding mga matataas na damo kung saan maaring magtago ang Pokémon para hindi mapansin ng kalaban, at pupuwede kayong mang-ambush ng katunggali, at mayroon ding mga wild Pokémon na pupuwede hulihin habang nasa labanan, ayon sa ulat ng Gamespot.

Gayunpaman, maraming previews sa game point na ilang mga bagong elemento sa MOBA formula.

Ang naturang laro ay binuo sa pakikipagtulungan ng Tencent at Timi Studios, ang studio na nasa likod ng iba pang mobile MOBA gaya ng Arena of Valor at Call of Duty Mobile.

Libreng laruin din ang Pokémon Unite pero siyempre may microtransactions. Ito ay available sa iOS, Android, at Nintendo Switch, na may cross-platform play support.

Pero sa ngayon ay wala pang inaanunsyo na petsa kung kailan ilalabas ang Pokemon Unite na dapat ding abangan.

Bago ang anuninsyo, una ng ipinasubok sa mga piling manlalaro sa Pilipinas ang League of Legends: Wild Rift, na isa ring mobile MOBA. Ang Wild Rift ay isa rin sa pinakasikat at talagang inaabangan kung kailan opisyal na malalaro ng mga Filipino. Isa ang League of Legends sa dalawang sikat na MOBA sa desktop kabilang ang Dota 2.