April 27, 2024

62 POINTS COMBINATION NINA KAWHI LEONARD AT PAUL GEORGE, NAGING SUSI SA PAG-IPIT NG CLIPPERS SA JAZZ

Kapwa inakay nina Kawhi Leonard at Paul George ang Los ANgeles Clippers sa panalo nito sa Game 4. Inipit ng Clippers ang ritmo ng Utah Jazz, 118-104 sa Game 4 ng West semifinals.

Malaki ang 62 point combination ng dalawang star players upang tambakan ng Clippers ang Utah.

Nagtala si Leonard ng 31 points, 7 boards at 3 assists. Si George naman ay bumuslo ng 31 points, 9 boards at 4 assists.

Tumulong naman si Markieff Morris sa pagkana ng 24 points at 6 rebounds. Sa panig naman ng Jazz, kumana si Donovan Mitchell ng 37 points, 5 boards at 5 assists.

Sa umpisa pa lang ng laro, nagpasiklap na agad ang Clippers. Nagawa nitong tambakan ang Jazz ng mahigit sa 20 puntos.

Ang kalamangang ito ang naging susi upang komportable ang Clippers sa laro. Kahit nagpumilit ang Jazz na makahabol, hindi na nito nagawa.