May 9, 2024

PH NATIONAL POOMSAE TEAM, KUMAMIG NG 9 MEDALS SA 6TH TAEKWONDO CHAMPONSHIPS

Nagpakitang gilas ang Philippine national poomsae team sa 6th World Taekwondo Asia Poomsae Championships. Katunayan, sumipa ng 2 golds, 2 silvers at 5 bronze medals ang bansa sa torneo na idinaos sa Beirut, Lebanon.

Isa pa, nakakasungkit ang nationals ng medalya sa bawat event na sinalihan nila. Nakasipa ng two titles ang pambatong sina tilt MVP’s Darius Venerable at Juvenile Crisostomo.

Dinuplika ng UST student athlete na si Venerable ang kanyang panalo sa online competitions noong 2020. Naghari siya sa male individual event na may 7.74 points.

Naungusan niya ang mga katunggali mula sa South Korea, Iran at Lebanon.

Ang silver nedals naman ay prinudyos ni June Ninobla sa male individual under-60 event. Sumipa naman ng bronze sina Rodolo Reyes Jr. at Joce Lyn Ninobla sa kanilang 3rd place finish sa individual at team events under-30.

Nag-ambag din ng bronze sina Patrick Perez at Joaquin Tuzon sa men’s side. Habang sina Rinna Babanto at Aideine Laza naman sa women’s team.