April 28, 2024

MIKE D’ ANTONI, HINIHILOT NA MAGNG COACH NG PORTLAND TRAILBLAZERS

Makikipagpulong si Brookyn Nets assistant coach Mike D’ Antoni sa pamunaun ng Portland TrailBlazers. Ito ay para sa coaching position na binakante ni Blazers coach Terry Stotts.

Isa si D’ Antoni sa napipisl ng Portland na susunod na maging head coach ng team.

Sinibak ng Blazers si Stotts matapos malaglag ang team sa first round ng playoffs kontra Nuggets.

Ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN, kabilang din ang dalawa pa sa pupulungin ng Portland. Ito’y sina Spurs assistant coach Becky Hammon at Clippers assistant Chauncey Billups.

D’Antoni has mutual interest in becoming Portland’s head coach. He has plenty of experience and is an amazing offensive coach, who could work wonders for Damian Lillard,” aniya.

Si D’ Antoni ay isang magaling na coach sa NBA. Gayunman, sa kabila ng kanyang success, bigo siyang mapalaot ang isang team sa NBA Finals.

Mayroon siyang career record bilang coach na 718 wins at 555 losses.