HINIMOK ng ilang senador ang Department of Social Welfare and Development na rebisahin ang 4Ps program nito dahil malaki na ang nagagastos ng gobyerno sa programa.
Sa pagdinig ng Senado sa proposed P194.62 billion 2023 budget ng DSWD, sinabi ni Senador Imee Marcos na nagsisilbing short term solution ang 4Ps para sa mahihirap na pamilya subalit nasa dalawang porsyento lamang ang nakakaahon sa kahirapan.
Nangako naman si DSWD Secretary Erwin Tulfo na ireview kung gaano ka-effective ang programa sa pagtulong sa mga mahihirap na pamilya.
Sinabi ng kalihim na ang alam niya ay nagsimula pa ito sa panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo pero itinuloy ng iba pang administrasyon bagama’t aminado siyang hindi napag-aralan nang maayos ang programa.
Idinagdag pa nito na bukas sila sa anumangaksyon ng mga mambabatas at kung ano ang magiging desisyon nila sa 4Ps dahil sila ay implementors lang ng programa.
Sa kabuuang proposed budget ng ahensya, P115 billion ang inilalaan sa panatwid pamilya program na flagship social protection program ng ahensya.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA