November 19, 2024

3 MIYEMBRO NG MILISYANG BAYAN SUMUKO SA QUEZON

SUMUKO sa puwersa ng gobyerno ang tatlong miyembro ng Milisyang Bayan sa Tagkawayan, Quezon.

Pinadali ng Tagkawayan Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict, sa tulong ng 85th Infantry “Sandiwa” Battallion, Quezon PNP at Tagkawayan PNP ang pagsuko nina alyas Jomar, alyas  Torio at alyas Rocky, kapwa miyembro ng MB at nakatira sa Sitio Bayabas sa  Barangay Santo Tomas. Pormal na nilang binawi ang kanilang suporta at boluntaryong lumagda sa sworn statements upang kondenahin ang Communist Terrorist Group.

Sa isang pahayag, sinabi ni 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. Gen. Roberto Capulong na ang desisyon ng mga indibidwal na ito na iwanan ang Milisyang Bayan ay isang makabuluhang hakbang tungo sa kapayapaan at kaunlaran sa ating komunidad.

Idinagdag pa nito, na nakatuon ang gobyerno sa pagbibigay ng tulong sa kanila na may kasamang kaukulang suporta at mga oportunidad upang muling makasama sa lipunan.

Sinabi rin niya na ang pagtutulungan ng militar at lokal na pamahalaan para kumbinsihin ang mga miyembro ng Milisyang Bayan na abandonahin ang kanilang suporta sa Communist Terrorist Group ay isang positibong development sa patuloy na pagsisikap ng gobyerno upang makamit ang hinahangad na kapayapaan at kapanatagan.