December 25, 2024

2 most wanted persons sa kasong rape, arestado ng Caloocan police

NADAKIP ng pulisya ang dalawang lalaki na kapwa listed bilang most wanted sa kasong panggagahasa sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police na naispatan ang presensiya ni Richard Salmorin, 32 ng Brgy. 178, Camarin sa kanilang lugar.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga operatiba ng IDMS-WSS sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera, kasama ang 4th MFC RMFB, NCRPO ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Salmorin sa Sitio Diwa St. Brgy. 178 Camarin, dakong alas-11:30 ng gabi.

Ani Col. Lacuesta, si Salmorin na listed bilang Top 7 (Station Level) MWP ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape na inisyu ng Family Court Branch 1, Caloocan City noong October 24, 2022.

Nauna rito, nasakote din ng mga operatiba IDMS-WSS at 4th MFC RMFB, NCRPO sa joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa kahabaan ng Block 4 Lot 12 RD 33, Congressville, Brgy. 173, bandang alas-10:20 ng gabi si Renz Martin Philip Tolentino, 20 ng Brgy. 173 ng lungsod.

Sinabi Major Rivera, si Tolentino na listed bilang Top 10 (District Level) MWP ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rare na inisyu din ng Family Court Branch 1, Caloocan City noong September 30, 2022 kung saan walang inirekomenda ang korte na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng dalawang akusado.

Pinuri naman ni Norhern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Caloocan City Police sa kanilang masigasig na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang MWP. (JUVY LUCERO)