May 18, 2024

$15.5 MILYON, MAWAWALA KAY KYRIE IRVING KAPAG DI NAGPA-VACCINE

Mawawalan si Kyrie Irving $381K sa bawat NBA games na di nito lalaruan. Ito ay dahil sa pagmamatigas pa rin ng Brooklyn Nets star na di magpabakuna.

Batay sa kasunduan ng NBA and National Basketball Players Association, pumayag sila sa 1/91.6th sa kaltas sa sahod ng player.
Ito yung mga players na di makalalaro dahil sa vaccine regulations sa New YOrk City at sa San Francisco. Kung magmamatigas pa, di makalalaro si Irving ng 41 home games sa Nets. Ito’y kapag epektibo pa rin ang regulasyon sa paglipas ng mga araw.


Kapag gayun, mawawalan si Irving ng $15.5 million. Ang kontrata niya sa Brooklyn ay $35.9 million sa 2021-22 NBA season.