April 26, 2024

TORONTO RAPTORS, NILURAY ANG 76ERS

Pumalag ang Toronto Raptors sa nakatakda sanang pagwalis sa kanila ng Philadelphia 76ers sa Game 5. Niluray ng Raptors ang 76ers, 103-88 at naitarak ang series sa 3-2. Bumanat si Pascal Siakam ng 23 points at 10 rebounds sa big win.

Naglista naman ang Rookie of the Year na si Scottie Barnes ng 12 points at 8 boards. Naglatag naman ng tig-16 points sina OG Anunoby at Gary Trent Jr.

Samantala, bumira ang si Joel Embiid ng 20 points,11 rebounds at 4 assists sa 76ers. Habang si James Harden ay kumana ng 15 points at 7 assists.

Bumubulaga ang Raptors bilang unang team sa NBA history na makakaalpas sa 0-3 deficit. Sinabayan ng Toronto ang daloy ng opensa. Binuwenas naman sila dahil sa kanilang atake. Bagay na nagbigay ng sakit ng ulo sa depensa ng Philadelphia.

Susubukan ng ‘We the North’ na itabla ang series sa 3-3 sa Game 6 na idaraos sa kanilang balwarte.