April 26, 2024

Prediction ni Jalen Rose, Miami Heat, makakaabot uli sa NBA finals

Sinabi ni former NBA player Jalen Rose na ang Miami Heat ang  muling  liliyab sa Eastern Conference. Gaya noong last year, tutuntong uli ang Heat sa 2021 NBA Finals.

The Miami Heat are now my favorite to win the East,” post ni Rose sa social media.

Ayon sa dating Indiana Pacers cager at ngayo’y ESPN analyst, ito ay dahil sa result ng nangyaring trade deadline.

Kung saan, nalambat ng Heat ang talented point guard na si Victor Oladipo mula sa Rockets. Isama pa si big man LaMarcus Aldridge kung uubra ang pagkuha sa kanya.

Kung healthy aniya sina Jimmy Butler at Bam Adebayo pagsapit ng playoffs, mauulit ng Miami ang ginawa nilang finals appearance.

Malaking tulong aniya ang two-guard na si Oladipo sa points production. Na may average na 20 points per game.

Patungkol kay Aldridge, hindi pa naseselyuhan ang pagkuha sa kanya. Subalit, ito na aniya ang final piece na fit sa kampanya ng Miami.

Kabilang sa matitikas na team na makababangga ng Heat sa East ay ang Philadelphia. Gayundin ang Brooklyn Nets at Milwaukee Bucks.