April 26, 2024

PHOENIX SUNS, TINUPOK ANG LAKERS, 117-105

Tinupok ng Phoenix Suns ang Los Angeles Lakers sa NBA preseason opener, 117-105. Sa first quarter pa lang ay umariba na ang Suns.


Gumawa si Deandre Ayton ng 14 points, 11 boards para sa Phoenix. Nag-ambag naman si Mikal Bridges ng 15 points. Habang si Cameron Johnson ay nagtala naman ng 13 points.
Si Chris Paul naman ay mayroong 8 points at 11 assists. Hindi naman nakalaro si Devin Booker sa Suns dahil sa health protocols ng liga.


Bumira naman si Malik Monk ng 18 points para sa Lakers. Humataw naman si Anthony Davis ng 14 points, 8 boards at 2 assists sa 25 minutong paglalaro. Habang si Carmelo Anthony ay gumawa ng 8 points at 2 boards sa loob ng 17 minutes na game time.