May 9, 2024

ALYSSA VALDEZ, PASOK BILANG HOUSEMATE SA PBB SEASON 10

Kabilang ang volleybelle na si Alyssa Valdez sa papasok sa ‘Bahay ni Kuya’ sa PBB Celebrity Edition Season 10. Kaya, excited na ang fans nito na makita siya bilang housemate.


Ang tinaguriang ‘The Phenom’ ng volleyball ay naglalaro sa Premier Volleyball League (PVL) sa koponang Creamline Cool Smashers.

Ayon sa iba, ito marahil ang move ni Alyssa sapol nang di mapabilang sa Philippine national volleyball team na sumabak sa 2021 AVC meet sa Thailand. Tanong ng fans, makakaya kaya niya ang hamon sa bahay ni Kuya? Tiyak na susuportahan nila ang pinakasikat na voleybelle sa bansa sa panahon ngayon.

Bukod sa kanya, pasok din bilang housemate si ‘Madam Inutz’ o si Daisy Lopez. Gayundin ang singer na si KD Estrada.