May 18, 2024

DESIREE DEL VALLE, NAGSILANG NG BABY BOY

Nagsilang ang aktres na si Desiree del Valle ng firts child nila ni Boom Labrusca. Katunayan, ibinahagi nila sa social media ang ilang pictures na kalong ng aktres ang sanggol. Baby boy ang iniluwal nito na pinangalanang Baby Alexander.

Ang cute ng anak ng dalawa at ang kinis ng balat.


Ayon sa celebrity couple, matagal na nilang hinintay ang blessing na magka-baby.
“As we welcome our bundle of Joy! Alexander Sebastian Dunham Labrusca,” caption ng aktres sa kanyang IG post.


“Thank you Lord for our son,” masayang wika ni Desiree.