April 27, 2024

MINNESOTA TIMBERWOLVES, JAZZ AT 76ERS, WAGI SA NBA PLAYOFFS OPENER

Nilapa ng Minnesota Timberwolves ang Memphis Grizzlies sa Game 1 ng NBA Playoffs. Natigilan ang crowd sa pagsilat ng una sa huli sa iskor na 130-117. Nanguna sa panalo ng Minnesota si Anthony Edrwards at Karl Anthony Towns.


Gumawa si Edwards ng 36 points, 6 assists at 2 blocks. Habang si Towns naman ang bumira ng 29 points, 13 boards at 3 assists.


Sa panig naman ng Memphis, bumuslo si Jah Morant ng 32 points, 8 assists at 4 boards, Habang si Dillion Brook naman ay nagambag ng 24 points at 1 boards.
Samantala, sa iba pang laro sa playoffs opener, binalibag ng Utah Jazz ang Dallas Mavericks, 99-93. Nanguna sa opensa ng Jazz si Donovan Mitchell na bumuslo ng 32 points. Kasama na rito ang 6 boards at 4 assists.

Si Bogan Bogdanovic naman ay lumagare ng 28 points, 5 boards at 4 assists.
Kumana naman si Tyrese Maxey ng 38 points sa paggarote ng 76ers sa Toronto Raptors, 131-111. Nagtala si Maxey ng 38 points at 4 boards.


Ng-ambag naman si Tobias Harris ng 26 points, James Harden ng 22 points. Habang si Joel Embiid naman ay naglista ng 19 points.