May 3, 2024

JORDAN POOLE, KUMINANG SA PAGPAPAK NG WARRIORS SA NUGGETS

Kuminang si Jordan Poole sa GSW sa Game 1 ng 2022 NBA Playoffs first round sa Western Conference. Pinapak ng Golden State Warriors ang Denver Nuggets, 123-107. Kaya naman, lamang sa 1-0 ang team sa best-of-7 series.


Bumanat si Poole ng 30 points at 3 assists. Nag-ambag naman si Klay Thompson ng 19 points at 3 boards. Habang si Steph Curry naman ay bumira ng 16 points, 4 assists at 3 boards. Uminit ang shooting ni Poole sa 1st quarter pa lamang. Dahilan upang umusd ang Warriors sa dikitang laban at matambakan ang Denver.


Sa panig naman ng Nuggets, nagtala si Nikola Jokic ng 25 points at 10 boards. Gayundin ng 6 assist at 3 steals. Sa unang sangkapat ng laro, dikit lang ang iskor. Nagkaroon din ng ilang lead changes bagoi umalagwa ang Warriors sa second quarter.


Nabitbit ng GSW ang kalamangan at pinamaga pa sa 20 points. Inalagaan nila ito hanggang sa 4rth quarter. Sinuwerte ang Golden State dahil sa malamyang shooting ng Denver. Kasama na rito ang labis na pagkapagod ni Jokic na inalat din sa opensa.