April 26, 2024

MILWAUKEE BUCKS, WINALIS ANG MIAMI HEAT, WIZARDS, WINASAK NG 76ERS

Tinapos na ng Milwaukee Bucks ang Miami Heat sa Game 4 ng NBA playoffs East Round 1. Sinuwag ng Bucks ang Heat sa iskor na 120-103.

Ito ang masasabign ‘sweetest revenge’ ng Bucks sa Heat sa pagwalis sa record na 4-0. Noong 2020 playoffs, winalis ng Heat ang Bucks sa 4-1 series.

Bumida si Giannis Antetokounmpo sa ginawang triple-double sa panalo ng Bucks.Bumuslo si Giannis ng 20 points, 12 boards at 15 assists.

Nagtala naman ng so Brook Lopez ng 25 points, 8 boards at 2 blocks. Si Khris Middletone naman ay nag-ambag ng 20 points, 14 boards at 4 assists.

Nanguna naman sa Heat si Bam Adebayo na naglista ng 20 points, 14 boards at 4 assists.Si Jimmy Butler naman ay nag-ambag ng 12 points, 10 boards at 10 assists.

Sa iba pang laro, bumida si Joel Embiid sa pagwasak sa Washington Wizards, 132-103.

Bumira si Embiid ng 36 points, 8 boards at 3 steals.Tumulong naman si Tobias Harris sa paglista ng 20 points, 13 boards at 5 assists.

Nag-ambag naman si Ben Simmons ng 14 points, 5 boards at 9 assists. Sa panig naman ng Wizards, lumagare si Russell Westbrook ng 26 points, 12 boards at 10 assists.

Samantalang si Bradley Beal naman ay kumamada ng 25 points, 6 boards at 3 assists.