May 5, 2024

PORTLAND TRAILBLAZERS, PINAPAK ANG DENVER NUGGETS, 115-95

Sinagasaan ng Portland TrailBlazers ang Denver Nuggets, 115-95 sa Game 4 ng NBA playoffs West Round 1.Dahil dito, naitabla ng Blazers sa 2-2 ang series.

Bumida si Norman Powell sa panalo ng Portland.Bumuslo si Powell ng 29 points at 12 rito ay mula sa perfect 4-out-of-4 shooting sa tres.

Nag-ambag naman si CJ McCollum ng 21 points, 4 boards at 8 assists. Si Damian Lillard naman ang kumana ng 10 points, 8 boards at 10 assists.

Halos palitan ng baskets ang dalawang team sa first quarter. Hindi nagpaiwan ang Nuggets at sumasagot sa buslo ng Blazers.

Subalit, nahawa ang Portand sa mainit na shooting ni Powell. Kung kaya, rumatsada sila at tinambakan ang Nuggets ng mahigit 30 points sa third quarter.

Bagama’t sinikap ng Denver na makahabol, kinapos sila dahil nag-iwan ng 20 kalamangan ang Blazers sa end of regulation.