April 26, 2024

LUKA DONCIC, BUMIDA SA PAGPILAS NG MAVERICKS SA CELTICS

Naibuslo ni Luka Doncic ang game-winning three upang wala nang maganap pang overtime. Dahil dito, pinilay ng Dallas Mavericks ang Boston Celtics, 107-104.


Gumawa si Doncic ng 33 points, 9 boards at 5 assists. Nag-ambag naman si Kristaps Porzingis ng 21 points, 7 boards at 2 assists. Sa panig naman ng Celtics, bumira si Jayson Tatum ng 32 points, 11 boards at 2 assists.


Habang si Dennis Schoeder naman ay nagtala ng 20 points, 6 assists at 4 boards.
Pukpukan ang laban ng dalawa hangagang sa fourth quarter. Sa huling segundo ng regulation ay tabla sa 104-104 all ang iskor.

Nasa Dallas ang huling posisyon. Kung saan, dala-dala ni Doncic ang bola. Patakbo nitong itinira ang bola sa tres at naisalpak bago tumunog ang buzzer.