April 28, 2024

DAMIAN LILLARD, NANGUNA SA PAGSAGASA NG TRAILBLAZERS SA LAKERS

Kumana ng 25 points si Damian Lillard para pangunahan ang Portland TrailBlazers sa pagsagasa sa Los Angeles Lakers,105-90. Nagtala rin ang binansagang ‘The Dame’ ng 6 assists, 3 boards at 2 steals.


Nag-ambag naman si Norman Powell ng 13 points, 2 boards at 2 assists. Sa panig naman ng Lakers, tumipa si Malik Monk ng 13 points, 4 boards at 3 assists.


Habang si Anthony Davis ay gumawa ng 12 points, 2 boards at 2 blocks. Si Russell Westbrook naman ay bumira ng 8 points, 9 boards at 6 assists.


Sa iba pang laro, tinupok ng Phoenix Suns ang Atlanta Hawks, 121-117. Nanguna para sa Suns si Devin Booker na nagtala ng 38 points. Binali naman ng Philadelphia 76ers ang sungay ng Chicago Bulls, 114-105. Nagtala si Joel Embiid ng 30 points at 15 rebounds para sa Sixers.