April 26, 2024

LEBRON JAMES, BALAK ILIPAT NG AGENT SA MIAMI HEAT

Lilipat raw si LeBron James ng ibang team pagkatapos ng 2021-22 NBA season. Ayon sa source, balak ng agent ni ‘The King’ na dalhin siya uli sa east. May sitsit din na baka bumalik siya sa Cleveland Cavaliers.

Gayunman, sinabi ng executives ng team na hindi sila interesado kay James. Subalit, ayon sa ibang source, sa Miami Heat rerekta si LeBron.

Kung matutuloy, ang magiging kapalit nito ay 6 na players. Kabilang na si Tyler Herro, Kyle Lowry at Duncan Robinson. Gayundin ang 3-first round picks. Ito ay ayon na rin sa sapantaha at suhestyon ni Colin Cowherd.

Gayunman, wala pang pahayag dito si Lakers GM Rob Pelinka.