May 5, 2024

INDONESIAN BOXER, NA-COMA MATAPOS MA-KNOCKOUT

Nasa stage of coma pa rin si Indonesia boxer Hero ‘The Lion’ Tito matapos ang knockout loss. Natalo ang boxer sa laban nito noong Linggo kay James Mokoginta sa Holywings Club sa Jakarta.


Si Tito ( may birthname na Heru Purwanto) ay bumagsak sa 7th round nang tamaan ng uppercut. Kung saan nagharap sila ni Mokoginta sa lightweight bout.


Na-confined sa Mitra Keluarga Kalapa Gading ospital si Tito dahil nawalan ito ng malay. Naging pro ang 35-anyos (29-17-2, 11KO’s) na boxer nong 2004.


Naging markado siya bilang undercard bout sa laban ni Manny Pacquiao at Brandon Rios sa Macau noong 2013. Natalo nga lang siya via majority decision kay Ik Yang.