April 26, 2024

JARED DUDLEY, KINUHANG ASSISTANT COACH NG DALLAS MAVERICKS

Kinuha ng Dallas Mavericks si Jared Dudley bilang assistant coach ng team. Ito’y bunsod ng lagay ni Dudley sa Los Angeles Lakers sapol nang mapaso ang kontrata nito.

Para naman sa Mavericks, kahit benchwarmer lang si Dudley sa Lakers, malaki ang maitutulong nito sa team. Lalo na ang idea nito at experience sa laro.

Samantala, masaya naman ang Dallas sa pagkuha sa serbisyo ni Dudley. Kahit na ang ilang fans ay nagtaas ng kilay. Gayunman, walang paki si Dallas owner Marc Cuban sa reaction ng ibang fans.

Hindi naman aniya polpol si Dudley at di ito dapat minamaliit dahil may angking talino ito pagdating sa laro. Isa pa, nakapagkampeon na ito sa Lakers noong 2019-20 season.