April 29, 2024

BUBOY FERNANDEZ, PAYAG SA PACQUIAO-UGAS REMATCH

Payag ang kaibigan at trainer ni Sen. Manny Pacquiao na si Buboy Fernandez na magkaroon ng rematch si Pacman at si WBA welterweight champion Yordenis Ugas.

Yan ay depende sa desisyon ni Pacquiao kung magreretiro na o lalaban pa sa lona. Nais ni Buboy na makaresbak si Pacman, lalo na’y payag naman ang Cuban pug na magkaroon sila ng rematch ni Pacquiao.

Ayon kay Fernandez, hindi pa panahon o oras para magretiro si Pacquiao.

I want to see more. One more time. Rematch. Walang problema. Kami ang nakaaalam, making lang siya. Naghanda si Ugas kasi kalaban niya legendary. Ipinakita ni Ugas ang galing niya. Ang importante ay ang fighting senator natin safety,” ani Buboy.

Aniya, nagreklamo si Pacman dahil bago ang laban ay nagsabi na ito na namimintig ang kanyang binti.Kaya, bumagal ang footwork nito. Hindi rin siya makapasok ng husto at di mabarag ang depensa ng mas matangkad at mas malakas na si Ugas.

 Start ng fourth round, nahirapan na ang aking kaibigan, kaya sabi ko, huwag na masyadong gumalaw at target-target na lang si Ugas,” ani Fernandez.