April 26, 2024

IMEE HERNANDEZ, PROUD NA MAKASAMA SA NAT’L TEAM SI EYA LAURE

Masaya si UST Tigresses Imee Hernandez na maging parte ng national team. Makakasama niya kasi ang kanyang kakampi sa UST na si Eya Laure.

Kasama si Imee sa line-up ng naasembol na team para sa 31st SEA Games sa Vietnam. Ang dalawa ay homegrown players ng UST at magkakampi sapol pa noong 2014.

Kaya naman, may two-combo na mula sa Tigresses ang volleyball national team. Ani Imee, naging mentor niya si Eya sapol noong eight grade siya.”

I’m really glad po na this time, sa national team naman po namin maipapakita kung ano po ang kaya namin mai-contribute sa team,” sabi 5-foot-10 na middle blocker.

Ilan sa pinagsamahan nina Imee at Eya ay ang UST Junior Tigresses squad. Kung saan ay nasungkit nilaang silver finishes nong UAAP season 78,79 at 80.

Naging magkakampi naman sila sa UST sa loob ng 7 years.