May 6, 2024

GILAS PILIPINAS, KAKASA SA SERBIA AT DOMINICAN REPUBLIC SA OQT

Sasabak ang Young Gilas Pilipinas sa Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia. Kung saan makakalaban nila ang world no. 5 na Serbia at no.19 Dominican Republic.

Ang torneo ay sisipa pagkatapos sumalang ng Gilas sa Clark Window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers. Na rito’y makatatapat nila ang nemesis South Korea at Indonesia.

Kaya naman, halos gahol na sa oras ang preparasyon ng team. Ayon kay Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin, hindi lamang sila basta-basta sasalang sa torneo.

Kundi, kailangang malinang nila ang karanasan para sa upcoming tournaments. lalaban sila sa abot ng kanilang makakaya.

“This is why underdogs win. Let me tell you why?”

“If I said to you, ‘Can this Gilas team of all cadets stop Serbia on one possession from scoring?’ You’re gonna say, ‘Yes, of course, they can. Serbia’s not gonna score on every possession of the game.’

I’m gonna say ‘You’re right!’” wika ni Baldwin.