April 26, 2024

Creamline Cool Smashers at PLDT kaya ang magtatapat sa finals?

Malakas talaga ang Creamline Cool Smashers sa PVL Invitational Conference. Ang nasabing team na ang leading sa standing sa 5-1 record. Kabuntot nila ang PLDT Home Fibr High Speed Hitters, Cignal HD Spikers at Army Black Mamba.

Kung itong apat na team nga ang papasok sa semis, nakikita na natin ang maaaring mangyari. Creamline at Black Mamba ang maghaharap at Cignal at PLDT.

Sa Cool Smashers at Army match-up, pupuguin ng una ang huli. Una, sa lakas ng kanilang star power line-up. Ikalawa, kulang sa players ang Black Mamba. Ganun din sa Cignal kapag nakaharap nila ang PLDT.

Maaaring magbago pa ang scenario depende sa resulta ng nalalabing laro. Pero, nakatitiyak tayo na pasok na ang nabanggit na team sa semis.

Mukhang ibang klase ngayon ang laro ng PLDT. Sila na kaya ang makatatapat ng Creamline sa finals? Abangan natin.