April 27, 2024

Pilipinas, dinaig ang Indonesia sa 3X3 wheelchair sa Asean Para Games

Dinaig ng Pilipinas ang Indonesia , 15-10 sa men’s 3X3 wheelchair basketball sa 11th Asean Games. Ang nasabing laro ay idinaos sa GOR Sritex Arena sa Surakarta, Indonesia. Binuhat nina Alfie Cabanog at Kenneth Tapia ang Pinas sa panalo.

Bumuslo si Cabanog ng 8 points habang 7 points naman ang ginawa ni Tapia. Rumatsada ng opensa ang dalawa nang kapwa tumabla sa 9 all ang score, Itinala nila ang 6-1 para sa Pilipinas at itala ang panalo.

Samantala, nagbabay naman ang women’s team sa 0-11 loss sa Thailand. Gayundin ang 1-6 defeat sa Laos.