April 27, 2024

3-anyos patay sa SUV

Todas ang isang tatlong taon gulang na batang babae matapos mabangga ng isang sports utility vehicle (SUV) habang nasa gilid ng kalsada sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Isinugod si Raine Gabisan ng No. 30 Bisig ng Nayon St. Brgy. 4, sa Caloocan City Medical Center subalit, idineklarang dead upon arrival sanhi ng tinamong pinsala sa ulo.

Matapos naman ang insidente ay sumuko sa pulisya ang driver ng Mitsubishi Montero (NDF-6241) na kinilala bilang si Josephine Garner, 29, call center agent at residente ng Block 6 Lot 6, Tanguile, Brgy. San Vicente, Angono, Rizal.

Sa tinanggap na report ni Caloocan Deputy Chief of Police P/Lt. Col. Ilustre Mendoza, habang nasa kalsada ang sa harap ng Basketball Court, Bisig ng Nayon St. dakong alas-3 ng hapon nang mabangga siya ng paparating na SUV na minamaneho ni Garner.

Ayon sa report, nagulungan pa ng kaliwang gulong sa unahan ng sasakyan ang ulo ng biktima na naging dahilan upang magtamo siya matinding pinsala.

Ani pulisya, magsasampa ang ama ng biktima na si Resller Gabisan, 28, public utility vehicle driver ng kasong reckless imprudence resulting in homicide kontra kay Garner sa Caloocan City Prosecutor’s Office.Â