May 4, 2024

Zamboanga Valientes pinataob ang China club sa Asian tourney

Maganda ang naging simula ng Zamboanga Valientes nang talunin ang Ningo Bulls, 82-75, sa The Asian Tournament noong Biyernes ng gabi, sa Guandong, China.

Namayagpag ang American import na si Nick Evans, katuwang ang mga Filipino na sina Mike Tolomia, Rudy Lingganay, Peter Alfaro, at Das Esa para pabagsakin ang mga Chinese sa kanilang unang laro sa regional club tournament.

Nakapagtala ang dating import ng Rain or Shine na si Evans ng 17 puntos para sa Valientes.

Palitan ang dalawang koponan noong first quarter ngunit humiwalay ang Valientes noong pangalawang yugto para pumasok sa halftime lamang ng 43-31.

Third quarter ay tuluyan nang sumabog ang Valientes at umabot ng 20 ang lamang noong fourth quarter bago subukan humabol ng Ningbo at napababa nila yung lamang sa single digits sa dulo ng laban.

Hindi naging sapat ang comeback attempt at kumapit ang Valientes sa maliit na lamang sa dulo.

Sunod na makakalaban ng Valientes sa Sabado ang Taiwan Mustangs na may pamilyar na mukha na si dating PBA star Alex Cabagnot. RON TOLENTINO