May 8, 2024

WWE STAR DREW MCINTYRE, EXCITED BUMISITA SA PILIPINAS

Nais ni former WWE Universal champion Drew McIntyre na bumisita sa Pilipinas. Ito’y matapos na hindi siya matuloy noong WWE Live Manila Tour noong September 2019.

Aniya, dapat ay nakapunta siya sa Pilipinas. Ngunit, di inaasahang nagkaroon siya ng injury.Kaya, dismayado siya na hindi makita ang Pinoy fans sa Smart Araneta Coliseum.

I was supposed to be in the Philippines in Manila in 2019. But I got an injury and I was so disappointed because I’ve never been there before,” aniya.

Ang WWE stars na nakapunta noon ay sina Kofi Kingston. Kung saan, napanatili nito ang WWE Championship laban kay Daniel Bryan.

Gayundin si Bayley na nakalaban si Charlotte Flair sa Smackdown Women’s Champion. Sa ngayon ay injured si McIntyre at inaasahang babalik sa Money In The Bank match sa July 17.

Kung pupuwede na raw uli mag tour ang WWE, isa ang PIlipinas na gusto niyang mabisita. Excitied na raw siya para rito at isa ito sa kanyang pangarap o goal.