May 15, 2024

WWE STAR CHARLOTTE FLAIR AT BF NA WRESTLER NG AEW, IKINASAL NA

Ikinasal na sina WWE star Charlotte Flair at AEW star Andrade El Idolo. Si Flair ay anak ni WWE legend ‘The Nature Boy’ Rick Flair. May kuhang larawan ang newly wed ng kanilang ceremony sa isang magandang hardin.

Dinaluhan ang kanilang pag-iisang dibdib ng mga kaanak at kaibigan sa industriya. Kabilang na rito sina Apollo Crews, Finn Balor, Lina Fanene at Rey Mysterio.

‘Congratulations to the happy couple and we wish them all the best!’ pagbati ng wrestling community sa bagong kasal.

Nagsimula ang love affair ng dalawa noong 2018. Kahit magkaiba na sila ng wrestling brand na kinabibilangan, suportado pa rin nila ang isa’t-isa.

Kasama sa WWE blue brand na ‘Smackdown’ si Flair. Habang si Andrade ay nasa All Elite Wrestling (AEW) sa brand na Dynamite at Rampage.