April 29, 2024

EX-NBA PLAYER GLEN DAVIS, SASABAK NA RIN SA BOXING

Nakatakdang umupak si ex-NBA player Glen Davis sa lona sa buwan ng Agosto. Ikakasa ng binansagang ‘Big Baby’ ang kanyang boxing debut bilang undercard sa susunod na laban ni Jake Paul.

Uupak naman ang YouTube star-turned priozefighter sa kanyang sixth pro bout. Ayon sa ESPN, may tinatarget na ang promotion ni Davis sa kanyang makakalaban.

Ayon sa source, gusto ng Most Valuable Promotions na itapat ang isang ex-WWE Heavyweight kay ‘Big Baby’. Naglaro sa NBA si Davis, 36, sa loob ng 9 seasons. Una siyang naglaro sa Boston Celtics, Orlando Magic at panghuli naman sa LA Clippers noong 2015.

Naglaro rin siya sa St. John Edge sa Canadian league noong 2019.