May 14, 2024

WWE ‘HALL OF FAMER’ TAMMY SYTCH, INARESTO DAHIL SA CAR CRASH NA IKINASAWI NG 75-ANYOS

Inaresto si WWE ‘Hall of Famer’ Tammy Sytch dahil sa pagkakasangkot sa fatal three-car crash. Ang aksidenteng ito ay ikinasawi ng 75-anyos na si Thomas Lasseter. Kaya naman, inaresto ang dating WWE Diva sa Volusia County Branch Jail.

Napag-alaman din na nasa ilalim ng DUI o nakainom si Sytch. Kung kaya, nangyari ang karambola. Kinasuhan ang kilala ring bebot bilang si ‘Sunny’ ng DUI at manslaughter. Na maaaring humantong sa 30 taon pagkakabilanggo.

Batay sa pinakabagong ulat, pinalaya si Sytch sa detension bandang alas 12:14 ng umaga. Ito’y matapos na makapagpiyansa. Gayunman, mahaharap pa rin siya sa kabuuang 9 na kaso. Kabilang pa ang dagdag na driving with suspeneded or revoked license. Gayundin ang 7 counts of DUI causing damage to person or property.

Ang DUI Manslaughter charge ay mayroong 4-year minimum sentence at may multang $10,000.