May 14, 2024

EX-WWE STAR ALBERTO DEL RIO, EMOSYUNAL SA PAGPANAW NG ASAWA

Naging emosyunal si ex-WWE superstar Alberto Del Rio sa pagpanaw ng kanyang dating asawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-recover sa pagkawala ng misis na si Angela Velkie. Pumanaw si Angela sa isang ospital sa Satellite, Mexico noong Abril 30. Saka lang niya inanunsiyo ang tungkol dito makalipas ang ilang araw.

Naiwan kay Del Rio ang tatlo nilang anak. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Alberto ang dahilan ng bigla nitong pagkamatay.

It is with pain in my heart and with a torn soul that I officially confirm the unexpected and unfortunate death of Ángela Velkei, mother of my three children.

Angela was an exceptional human being and an exemplary mother to my three children. Thank you so much Angela. You have no idea how much we miss you,” aniya.

Nagpaabot naman ng pakikisimpatiya ang fans matapos mabatid ang pinagdadaanan ngayon ng wrestler. Naghiwalay ang dalawa dahil sa pangangaliwa ni Del Rio. Nagkaroon ito ng affair sa isa ring wrestler na si Paige.