May 18, 2024

WINSTON, BUMIDA SA PAGTUDLA NG DLSU SA RED WARRIORS

Bumida sa kanyang unang salang si rookie Deschon Chasen Alexander Winston para sa DLSU Green Archers. Nagpakitang gilas ito sa panalo ng La Salle sa UE Red Warriors, 71-66 ng UAAP Season 84.
Bumuslo si Winston ng 22 points, 6 boards at 3 steals.

Sa umpisa pa lang ng game, kontrolado na ng DLSU ang tempo. Kung saan, tinambakan nito ang UE ng 18 points.


Subalit, gumanda ang opensa ng Red Warriors at nagawang makahabol. Katunayan, naibaba nito ang lamang sa 4rth quarter, 65-61.


Gayunman, bumalikwas uli ang Green Archers sa pagtarak ng 7 points. Sa ngayon, nakisalo sa liderato sa standings ang DLSU sa 1-0. Panalo rin ang NU, FEU at Ateneo Blue Eagles sa opening game.