May 17, 2024

ADELAIDE 36ERS, SINILAT ANG PHOENIX KAHIT FOUL TROBOL SI KAI SOTTO

Muling nakabalik sa winning column ang Adelaide 36ers sa 2021-22 National Basketball League season. Ito’y matapos gulatin ang South East Melbourne Phoenix, 100-92 sa Adelaide Entertainment Centre.
Nakabalikwas ang 36ers sa dismal 2nd quarter. Kung saan ay itinarak ang 13-4 run at makalamang ng 57-49. Nanguna si Sunday Dech sa panalo sa paglista ng 21 points, 5 boards at 3 assists.

Nag-ambag naman si Daniel Johnson ng 22 points at 10 boards. Habang si Mitch McCarron at Hyrum Harris ay lumagare ng tig-11 points.


Si Kai Sotto naman ay kumana ng 4 points, 5 boards at tig-isang block, steal at assist. Naglaro lamang siya ng 15 minutes at na-foul trouble. Sa ngayon ay may 7-13 sa standings at 8th seed sa 10-team league. Habang ang Phoenix naman ay 12-10 at kasalo sa 5th seed ang Tazmania.