May 18, 2024

WBC, IPINAABOT SA LOCAL PROMOTERS NA MAGKASA NG LABAN PARA SA VACANT INT’L TITLES

Bukas sa promotion ang ilang bakanteng international titles ng World Boxing Council (WBC). Na kanilang ipinaalam sa Philippine Games and Amusement Board (GAB).

Sa gayun ay maipaabot nito sa mga local promoters ang gayung estado. Katunayan, nagpadala ng mensahe kay GAB Chairman Abraham ‘ Baham’ Mitra si WBC head Mauro Betti.

Batay sa ipinadalang e-mail, ipinagbigay alam ng boxing body na maiparating sa mga local promoters ang balita. Sa gayun ay mabigyan ng opportunidad na magkasa ng laban.

Karagdagan pa, pagkakataon na rin umano ito ng mga Pinoy boxers na sumalang sa world title bouts.

I would be very grateful if you could help me achieve a chance in your country,” pahayag ni Betti,

Para matawagan ng pansin ang local promotions sa nasabing development, ipinost ng GAB sa social media account nito ang nasabing mensahe.

Kabilang sa mga vacant titles ng naturang boxing council ay ang strawweight (minimumweight) at flyweight division.