May 18, 2024

SEA GAMES CHAMP KIM MANGROBANG AT 2 PANG TRIATHLETES, SASALANG SA OQT SA JAPAN

Mapapasama rin si SEA Games champion Kim Mangrobang sa three national triathletes na sasalang sa Asian Championships na idaraos sa April 24-25 sa Hatsukaichi, Japan.

Ang nasabing torneo ay magsisilbing Olympic qualifying event para sa Tokyo Games. Kung saan, ang slot ay pupunan lamang per gender.

Makakasama ni Mangrobang sa qualifying meet sina Kim Remolino at Fernando Casares. Tutulak sila patungong Japan sa April 20.

Sa gayun ay mas marami pa silang panahon upang tugunan ang travel protocols at restrictions.

Manggagaling pa sa Desmor, Portugal ang gorgeous Pinay triathlete. Kung saan ay kasalukuyan siyang nagsasanay sa ilalim ni Portuguese coach Sergio Santos.

Si Remolino naman ay nagsasanay sa Cebu. Habang si Casares ay sa Laguna sa ilalim ni coach Ani De Leon-Brown.

Bukod sa Asian Championships, lalahok din sina Mangrobang sa ilang series of races. Sa gayun ay magkaroon pa ng tsansa na makamit ang inaasam na Olympic ticket.

Kabilang na ang naka-iskedyul na races sa susunod na buwan sa Northern Arica at Southern Europe.