May 16, 2024

Walang planong kunin… COCO MARTIN AT VICE GANDA, ‘DI KASAMA SA PARTNERSHIP NG TV5 AT CIGNAL TV

IWAS nga ba ang Kapatid Network at ang Cignal TV na kunin sina Coco Martin at Vice Ganda? Naging magpartner ang TV5 at Cignal TV, pero mukhang ayaw na nilang kumuha ng mga artistang matataas ang mga Talent Fee dahil may hindi sila magandang karanasan sa mga ito.

“Tuloy ang mga programang planong ilaunch ng TV5 at Cignal TV, pero hindi nila napagusapan na kasama ang ‘FPJ Ang Probinsyano’ ni Coco Martin. Maging si Vice Ganda, hindi rin napagusapan dahil wala namang plano sila sa dalawa. Kaya hindi mapapanood sina Vice at Coco sa TV5 at Cignal TV.

“Malungkot naman ang mga fans nina Vice at Coco, dahil sa digital platform na lamang sila mapapanood. Kahit deny to death sila, marami pa rin ang nanghihinayang dahil hindi nakuha ang dalawang artista ng TV5 at Cignal TV.”