May 16, 2024

Tuloy pa rin ang laban… ANGEL LOCSIN, DEDMA KUNG HINDI SIYA FEEL KUNIN NG MGA TV NETWORK

TULOY pa rin ang laban nitong si Angel Locsin. Para raw sa kanya ay may magandang patutunguhan ang kanyang mga ipinaglalaban. Kahit ang mga iba niyang mga kasamahan ay mukhang nawalan na nang pag-asa sa kanilang pagiingay at pag-rarally, sa harap ng kanilang TV Network.

“Masigasig talaga si Angel Locsin, laban kung laban. Dahil para sa kanya, maririnig din ng mga tao ang kanyang mga ipinaglalaban at mabibigyan ito ng action. Pero tuluyan na ngang namaalam ang kanyang TV Network na ipinaglalaban, pero hindi pa rin siya na suko.

“Sa halip na kunin siya ng malalaking TV Network, nabahala ang mga ito dahil lumalabas na siya ngayon bilang isang aktibista. Ito ang naging daan para hindi na siya kunin pa ng GMA-7 at TV5. Pero dedma lang si Angel, na halatang ayaw pa apekto sa dalawang TV Network.” Sayang at hindi niya pinagaralang mabuti ang kanyang mga moves, na naging daan para masira ang magandang image na kanyang pinoprotektahan.