May 16, 2024

Kinabog sina Kathryn at Liza… NADINE LUSTRE, BEST ACTRESS NA NG YCC, URIAN AT FAMAS PARA SA TAONG 2019

LUCKY year ang taong 2019 para kay Nadine Lustre, dahil sa taong iyan ay nagwagi siyang Best Actress sa Young Critics Circle Awards, URIAN, at FAMAS para sa pelikulang ‘Never Not Love You.’ Ka-level na niya sa husay umarte sina Superstar Nora Aunor, Elizabeth Oropesa at Gloria Romero.

“Kinabog naman talaga ni Nadine Lustre sina Liza Soberano at Kathryn kung husay sa aktingan ang paguusapan. Nakatatlong awards na agad itong si Nadine, samantalang ang kanyang mga kasabayan na sina Kathryn ay nakaisa pa lamang. Si Liza naman ay mukhang wala pa. Patunay lamang ito na kung husay sa pag-arte ang pinaguusapan, mas mahusay siya sa dalawang actress.

“Marami ang humusga kay Nadine Lustre, at the age of 25 ay hindi raw siya deserving na manalo sa sa Young Critics Circle Awards ng Best Performance Award para sa pelikulang ‘Never Not Love You.’ Hindi rin matanggap ng kanyang mga basher na siya ang itinanghal na Best Actress in a single year para sa URIAN at FAMAS,” chika pa ng aking source na masaya sa natanggap na awards ni Nadine Lustre.

Poor Nadine Lustre, dahil hindi nila matanggap ang husay nito sa pag-arte kaya binabash nila ang actress. Tanggapin man nila o hindi, kinabog ni Nadine ang mga sikat na actress na sina Liza Soberano at Kathryn Bernardo.