May 16, 2024

Manny at Jinkee Pacquiao saludo kay Michael dahil sa 3.6 milyon views ng kanyang “Hate”

Walang pagsidlan ang tuwa ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao dahil sa ipinamalas na galing ng kanilang anak na si Michael sa pagkanta nito ng “Hate” nang mag-guest ito sa “Wish 107.5” .

Dahil sa husay at ganda ng boses nito sa pagkakanta ng kaniyang “Hate” na mismong siya ang lumikha ay napahanga niya ang 3.6 milyong nakikinig sa “Wish 107.5”.

Maraming viewers ang pinahanga nitong si Michael Pacquiao, kaya naman hindi sila nagtataka na ang kanyang magiging mundo ay ang daigdig ng musika.

Ang “Hate” ay kabilang sa mga kantang maririnig mula sa kanyang album na “Dreams” na kanyang inilunsad kamakailan lamang.