May 16, 2024

Matapos makatanggap nang termination paper… KORINA SANCHEZ SA TV5 NA MAPAPANOOD

BAGAMAT tahimik lamang ang kampo ni Korina Sanchez, kalat na sa apat na sulok ng showbiz na nakatanggap na si Ms. Korina Sanchez nang termination paper mula sa ABS-CBN.

“Ang balita nga namin ayaw umamin nitong si Korina Sanchez na kanya nang tatalikuran ang dating TV Network. Siguro ayaw niyang masabihan na walang utang na loob, pero hindi na niya kasalanan iyon dahil pinadalhan na nga siya nang termination paper na tanggal na ang kanyang show.

“Magkakaroon siya ngayon sa TV5 ng isang talk show, na ang format ay hawig sa kanyang show na ‘Rated K’ o baka maiba ang format nito. Pero hanggang ngayon ay ayaw pa rin umamin ni Korina, kaya hindi tuloy malaman kung totoong sa TV5 na nga siya mapapanood.” Kung natanggap na niya ang termination paper mula sa Kapamilya Network, ano paba ang dapat niyang ikabahala? Gayung tanggal na pala ang kanyang show sa dating network.