May 16, 2024

TALA VERY 1ST OPM NA MAY 150 MILLION VIEWS SA YOUTUBE

BONGGA ang kinalabasan ng OPM music video ni Popstar Royalty Sarah Geronimo na ‘Tala,’ dahil umabot na nga ito sa 150 million views at ito ang very first OPM sa YouTube na nakakuha ng ganito kalaking views ayon sa post ng VIVA records.

Ayon sa Viva records, malaki ang kanilang pasasalamat sa kanilang alaga na si Sarah sapagkat hindi niya umano pinababayaan ang kaniyang followers.

Malaki din ang kasiyahang ipinakita ni Geronimo sa inabot na tagumpay ng Tala. Aniya, hindi niya inakala na tatangkalikin ito ng napakarami niyang tagahanga.

Ipinarating din ng Pop Princess ang kanyang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa TALA na kinagat at sinuportahan ng masa.