May 5, 2024

WALANG LOCKDOWN VS MONKEYPOX – DOH

KAHIT mayroon na ring kumpirmadong ika-4 na kaso ng monkeypox sa Iloilo, hindi inirerekomenda ng DOH ang pagpapatupad ng  lockdown.

Ayon sa DOH, ang ika-4 na kaso at ang kanyang mga nakasalamuha o   close contacts ay binabantayan at nasa mahigpit na quarantine.

Niliwanag ng  DOH na mahalaga ang verification ng mga impormasyon upang maging malinaw at makumpirma ang pinanggagalingan ng impeksiyon. Binigyang-diin ng DOH na kailangan ang mahigpit na pag-iingat  upang maiwasan ang pagkalat ng monkeypox.