May 18, 2024

2 arestado sa drug bust sa Rizal

ARESTADO ang isang delivery rider at kasamahan nito sa  drug buy bust operation ng Binangonan Municipal Drug Enforcement Team (MDET) sa kahabaan ng Manila East Road, Brgy, Darangan, Binangonan Rizal.  

Sa report ni Rizal Police Provincial Director, PCol. Dominic Baccay kay Calabarzon Regional Director PBGen Jose Melencio Nartatez Jr.,  kinilala ang dalawang suspek na  sina Mark Taeza Dinan, 33, isang delivery rider at Kumiko Kumi Nuesca, 31, ng San Pedro Laguna.

Nakumpiska  mula sa mga suspek ang tinatayang  27.5 grams na nagkaka halaga  ng Php.187,000; marked money na P1,000; pulang cpin purse, P1,000 narekober na pera at motorsiklo.

Ang dalawang inaresto at mga ebidensya ay dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa tamang disposisyon.

Nasa kustodiya na ng Binangonan  Custodial Facility ang mga  suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165.