May 18, 2024

VOLLEYBELLE JOY DACORON, SUMALI SA BINIBINING PILIPINAS 2022

Lalahok si volleybelle Joy Dacoron this year sa screening ng 2022 Binibining Pilipinas. Matagal na pala kasing pangarap ng Adamson Lady Falcons volleybelle ang maging Beauty queen. Kaya, this is the right time na raw na sumali siya sa pageant.


Ang Chery Tiggo middle blocker pala ay nasa ilalim ng beauty camp ng Kagandahang Flores.Kaya, ito ang naging stepping stone. Gayunman, hindi naman niya iiwan ang paglalaro ng volleyball.


Kaya naman, desidido si Joy na sumali sa edisyon ng patimpalak ngayong taon. Katunayan, nakahabol pa siya sa deadline ng submission noong Biyernes.

Ang mga candidates ay dadaan sa matinding screening. Pagkatapos nito ay pipiliin aang 40 candidates. Ito ang maglalaban-laban para sa coronation.