May 17, 2024

CIGNAL HD SPIKERS, PINISAK ANG CHOCO MUCHO SA GAME 2

Nakabawi ang Cignal HD Spikers ang Choco Mucho Flying Titans sa Game 2 ng best-of-three ‘Battle for Third’. Pinisak ng Cignal ang Flying Titans sa 4 sets, 25-18, 27-25, 23-25 at 25-17. Nanguna si Rachel Anne Daquis sa HD Spikers sa pagbira ng 18 points at 25 digs.

Dahil sa maganda ang chemistry at depensa, nakuha ng HD Spikers ang una sa 2 sets. Ngunit, nakabawi ang Flying Titans sa Set 3. Pagsapit ng Set 4, iniwanan na ng Cignal ang Choco Mucho. Katunayan, tinambakan nila agad ito upang masecure na ang panalo.

Dala ang momentum na nagawa sa Set 1 at 2, gumanang muli ang chemistry ng Cignal. Naitabla nito ang series sa 1-1. Kung mananalo sa Game 2 ang Creamline, otomatikong makukuha ng HD Spikers ang bronze. Lamang kasi sila sa points system na 185-181 kumpara sa Choco Mucho.